Nag positibo sa red tide toxin ang ilang lugar sa siyam na lalawigan.
Kasunod na rin ito nang isinagawang examination ng BFAR at Local Government Units sa mga sample shellfish na kinuha sa ilang coastal areas.
Kabilang sa mga coastal areas na nag positibo sa red tide ang Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Biliran Island, Daram Island, Maqueda, Villareal, Cambatutay, Irong Irong at San Pedro Bays sa Western Samar, Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte, Matarinao Bay sa Eastern Samar, Dumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur, Baroy sa Lanao Del Norte at Lianga Bay sa Surigao Del Sur.
Ipinabatid pa ng BFAR na nag positibo rin sa red tide toxin ang mga karagatang sakop ng Marivels, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal sa Bataan.