Pumalo na sa siyam na lungsod sa Oriental Mindoro ang isinailalim sa state of calamity dahil sa oil spill.
Ayon kay Oriental Mindoro Gov. Humerlito Dolor, inaprubahan kahapon ng 11th sangguniang panlalawigan ang resolusyong magdedeklara ng state of calamity, dahil sa paglubog ng MT Princess Empress Oil tanker sa bahagi ng Balingawan Point.
Kinabibilangan ang siyam na lungsod ng Naujan, Pola, Pinamalayan, Gloria, Bansud, Bongabong, Roxas, Mansalay, at Bulalacao.
Mula sa siyam na lungsod, 77 ay mga barangay.
Nito lamang Sabado, kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na umabot na sa walong drum ang nakolektang langis mula sa nasabing oil spill.