Siyam na magulang ang arestado dahil sa paglabag sa curfew ng kanilang mga menor de edad na anak sa Quezon City.
Sa ilalim ng city ordinance 2301, pinagbabawalan ang mga menor de edad na magpalaboy-laboy sa mga pampublikong lugar simula alas-10:00 ng gabi hanggang ala-5:00 ng madaling araw.
Ayon sa Quezon City Police District, layunin ng naturang ordinansa na mabawasan ang mga kabataan na nasasangkot sa krimen at gulo lalo kapag lasing.
Bagaman iprinotesta ng mga magulang ang pagkakaaresto at pagkaka-kulong sa kanila, wala namang nagawa ang mga ito kundi magpiyansa ng P2,000 para makalaya.
Samantala, 18 katao ang inaresto rin dahil naman sa paglabag sa liquor ban sa lungsod.
By Drew Nacino