Philippine Para-Athletes, nasungkit ang siyam na medalya sa Asian Youth Para-Games sa Manama, Bahrain.
Nasungkit ng Philippine Para-Athletes ang siyam na medalya sa nilahukang Asian Youth Para-Games sa Manama, Bahrain.
Nilahukan ng 770 para-athletes mula sa 30 bansa ang naturang kompetisyon na ginanap nito lamang December 2 hanggang December 6, 2021 kung saan, bumida ang 20 Pinoy Para-Athlete mula Philippine Sports Association for the Differently Abled (PHILSPADA).
Naiuwi ni Para Swimmer Ariel Alegarbes ang gold medal sa S14 Butterfly Multiclass category, at silver medals naman sa SB14 100m breaststroke at 100m backstroke.
Nasungkit naman ni Para Table Tennis Player Linard Sultan ang dalawang silver mula sa Men’s singles class 8 at Men’s mixed team habang nagwagi rin ng silver medal sina Para Athletes Ronn Russel Mitra at Daniel Enderes, Jr.
Bronze medal naman ang nakuha ni Para Swimmer Angel Otom sa 100m freestyle S1-S10 at Para Table Tennis Player Mary Eloise Sable sa Women’s mixed team.
Ang Pilipinas ay may delegado rin para sa wheelchair basketball, badminton, at boccia. —sa panulat ni Angelica Doctolero