Patuloy ang panawagan ng mga awtoridad sa publiko na nananatili pa rin ang curfew hours na ipinatutupad sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila.
Ito’y makaraang mahuli ng Parañaque PNP at mga kagawad ng Barangay San Dionisio ang may siyam na kabataan na lumalabag sa curfew hours habang naglalaro sa isang computer shop.
Nasa edad 18 hanggang 22 ang nahuling mga kabataan na pawang mga residente ng Tramo Uno sa naturang barangay.
Ayon sa mga nahuling kabataan, inaya umano sila ng katiwala ng computer shop para sa first-person shooting game na crossfire kahit ipinasara na ito ng may-ari.