Sugatan ang siyam na menor de edad matapos sumabog ang pinaglalaruang granada sa Barangay Candadam, Leyte.
Ayon sa imbestigasyon, walang ideya ang isang walong taong gulang na nakapulot ng isang bomba sa videoke bar nang bigla itong sumabog habang pinaglalaruan nila ng kaniyang mga kasama.
Ayon sa Bomb Squad, ang nasabing bomba ay 40mm grenade na karaniwang nakikita sa taas na bahagi ng high powered automatic rifle o ‘grenade launcher’
Samantala, dinala ang mga biktima sa Immaculada Conception Hospital sa Baybay City. —sa panulat ni Airiam Sancho