Patay ang siyam na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang tatlo ang sugatan matapos tambangan ng mga armadong lalaki mula sa separatistang grupo sa malagim na clan war sa Guindulungan, Maguindanao.
Kinilala ang mga sugatan sina Anwar Dimasinsil, Mangi Mamasainged at Banarin LumaLag.
Habang ang mga nasawi ay sina Peges Mamasainged alyas Commander Black Magic, Sadam Mamasainged, Sadre Mamasainged, Johari Mamasainged, Kamaro Mamasainged, isang alyas Tani at tatlo pa na pawang mga aktibong miyembro ng milf.
Agad na sinugod ang mga sugatan sa pinakamalapit na pagamutan upang malapatan ng lunas.
Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing pananambang sa mga rebelde. —sa panulat ni Kim Gomez