Sumuko sa pamahalaan ang siyam na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Bayan ng Midtimbang sa Lalawigan ng Maguindanao.
Ayon sa bagong talagang Joint Task Force Central Commander, Maj. Gen. Roy Galido, kasabay ng pagsuko ng mga islamic terrorist ay ang pag turn-over ng kanilang mga armas sa pamahalaan.
Kabilang sa mga isinuko ng mga rebelde ang isang M16 rifle, isang M14 rifle, isang M1 garand rifle, isang M79 grenade launcher, isang locally-made Cal. 50 sniper rifle at isang Cal. 45 pistol.
Sa ngayon, kasalukuyang sumasailalim sa medical at custodial debriefing ang dating mga rebelde.
Nabatid na mula Enero ay umabot na sa 146 miyembro ng BIFF ang nagbalik loob sa pamahalaan.