Sinibak sa puwesto ang siyam na police officials ng Ronda Cebu Police Station kabilang ang kanilang hepe.
Kasunod ito ng nangyaring pamamaslang kay Ronda Cebu Mayor Mariano Blanco III sa loob mismo ng munisipyo.
Ayon kay Police Regional Office 7 Director Chief Supt. Debold Sinas, ni-relieved si Ronda Police Station Chief Senior Inspector Jay Soto Palcon at walo nitong tauhang naka-duty nang mangyari ang pamamaslang.
Aniya, iimbestigahan at pagpapaliwanagin si Palcon at ang kanyang mga tauhan kung bakit hindi agad sila nakapagresponde sa insidente gayong katabi lamang ng kanilang tanggapan ang munisipyo.
Ikinatuwiran naman ng mga pulis na umalis sila ng istasyon para magsilbi ng warrant of arrest sa kabilang barangay nang mangyari ang krimen.
—-