Siyam na party-list groups ang nakakuha ng pwesto sa Kamara batay sa partial at official tally ng Commission on Elections (COMELEC) na nagsisilbing National Board of Canvassers (NBOC).
Kabilang sa mga party-list group na pumasok sa mababang kapulungan ng kongreso ang mga nakakuha ng hindi bababa sa 2% ng mga botong kailangan para sa proklamasyon ay ang ACT-CIS, Ako Bicol;
1-Rider Party-List,4Ps, Ang Probinsyano, Sagip, Cibac, Ako Bisaya at Probinsyano Ako.
Alinsunod sa batas, dapat makakuha ng hindi bababa sa 2% ng kabuuang mga boto ang isang party-list group para magkaroon ng kahit isang pwesto sa Kamara.
Ang mga lalampas naman ng 2% threshold ay mabibigyan ng karagdagang puwesto na katumbas ng kabuuang boto subalit hindi maaaring lumampas sa tatlo kada mananalong party-list group.