Hinatulan ng kamatayan ang siyam (9) na Pilipinong kasama sa pag-aaklas sa Sabah, Malaysia, apat (4) na taon na ang nakakalipas.
Ayon kay Court of Appeal Judge Mohd Zawawi Salleh, chairman ng Three Man Panel, unanimous ang desisyon nilang ibasura ang apela ng kampo ng mga nasabing Pilipino na dapat aniyang isalang sa parusang kamatayan.
Naghain ng apela ang prosecution para maisalba ang mga nasabing Pinoy na kabilang sa mga nag-aklas laban kay Yang Di Pertuan Agong.
Nakilala ang mga nasabing Pilipino na sina julham Rashid, Virgilio Nemar Patulada, Salib Akhmad Emali, Tani Lahad Dahi, Basad Manuel Na Anak Ni Sultan Sulu Jamalul Kiram,Datu Amirbahar Hushin Kiram, Atik Hussin Abu Bakar, Al Wazir Osman at Ismail Yasin.
Siyam (9) na miyembro ng Malaysian security forces ang nasawi sa nasabing pag-aaklas sa pagitan ng February 12 hanggang April 10, 2013.
By Judith Estrada – Larino