Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na gagawin ng gobyerno ang lahat ng ligal na hakbang upang iligtas ang siyam na Filipinong hinatulan ng kamatayan ng Malaysian Court of Appeals.
Sinentensyahan ng bitay ang siyam dahil sa pagkakasangkot sa Sabah Standoff noong 2013.
Ayon kay Raul Dado ng Executive Officer ng Office of Migrant Workers Affairs ng D.F.A., agad nakipag-usap ang Philippine Embassy sa Malaysia sa kanilang mga abogado upang humirit na baligtarin ang hatol.
Agad din anyang sisimulan ang diplomatic initiatives sa Pilipinas at Malaysia.
By: Drew Nacino