Nasa ilalim na ng restrictive custody sa Camp Crame ang siyam na pulis na sangkot sa pagkamatay ng apat na sundalo sa Jolo, Sulu.
Kabilang sa mga nasabing pulis ayon kay PNP Spokesman Brigadier General Bernard Banac na haharap sa imbestigasyon ng NBI ay sina Police Senior Master Sergeant Abdelzhimar Padjiri, Police Master Sergeant Hanie Baddiri at Police Staff Sergeant Iskandar Susulan.
Bukod pa ito aniya kina Police Staff Sergeant Ernisar Sappal, Police Corporal Sulki Andaki, Patrolman Moh Nur Pasani, Police Staff Sergeant Almudzrin Hadjaruddin, Patrolman Alkajal Mandangan at Patrolman Rajiv Putalan.
Ang mga naturang pulis na dumating sa Metro Manila kahapon kasama si Brigadier General Manuel Abu, regional director ng BARMM Police Regional Office ay nai-turn over na kay Police Coronel Jerich Royales na deputy director for operations sa headquarters support service sa Camp Crame.