Inanunsyo mismo ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa na siyam na pulis ang nagpositibo sa drug test na isinagawa noong nakaraang Biyernes.
Ayon kay dela rosa, ang mga ito ay mula sa regional offices ng Philippine National Police.
Isasailalim naman muna ito sa confirmatory test upang makumpirma kung gumagamit nga ba ng ipinagbabawal na gamot ang naturang 9 na pulis.
Inaasahang lalabas ang resulta nito sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.
Ang mga magpopositibo sa confirmatory test ay agad na sasampahan ng kaso at sisibakin sa serbisyo.
Matatandaang nasa 2,400 pulis ang sumailalim sa drug test noong Biyernes sa pangunguna ng bagong PNP Chief na si dela Rosa.
By Ralph Obina