Kinumpirma ng Dept of Health ang panibagong kaso ng polio virus sa bansa.
Ayon sa DOH, isang 9 na taong gulang na batang babae mula sa Basilan ang ika-walong kaso ng polio virus .
Nag positibo anila sa poliovirus ang samples na kinuha mula sa bata at ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine at National Institute of Infectious Diseases sa Japan.
Ang ika-apat hanggang ika-pitong kaso ng poliovirus sa bansa ay nagmulang lahat sa Mindanao.