Siyam (9) na tindahan sa Tondo, Maynila ang ipinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa hindi pagbabayad ng buwis na nagkakahalaga ng aabot sa P25 million pesos.
Ayon sa BIR, kabilang sa mga ipinasara ay ang Add 1 Enterprise, BS Exponent Ville Marketing, Eventrix Enterprises, JPC Candy Shoppe Inc., Lorex Bazar Company at iba pa.
Hindi umano nagdeklara ng tamang taxable sales ang naturang mga establisyimento na malinaw na paglabag sa tax code o National Internal Revenue Code of 1997.
Bigo umanong tumugon sa 48 oras na notice ang mga business establishment kaya ito ipinasara sa ilalim na rin ng programang Oplan Kandado ng ahensya.
By Rianne Briones