Nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19 ang siyam na unggoy sa San Diego Zoo sa Estados Unidos na kinabibilangan ng apat na orangutan at limang bonobo.
Ayon sa ulat, isa sa mga naging recipients ng vaccine ay ang 28-anyos na babaeng Sumatran orangutan na si “Karen” na siyang kauna-unahang “ape” na sumalang sa open-heart surgery noon pang 1994.
Sinasabing minadali ang pagbabakuna sa mga unggoy matapos tamaan ng coronavirus ang walong gorilya sa nasabing zoo noong Enero.
Isa sa mga nagkasakit ay ang 48 taong gulang na si “Winston” na nagkaroon ng pneumonia at heart disease na kasalukuyang nagpapagaling.