Pina-iimbestigahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Health (DOH) ang siyam na ospital na tumatanggi umanong tumanggap ng mga pasyente sa gitna ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Bagaman hindi tinukoy ng pangulo ang mga naturang ospital, binigyang-diin nito na mayroong mga sinusunod na mga patakaran ang bawat ospital na dapat ay kanlungan ng mga maysakit at hindi dapat namimili ng pasyenteng gagamutin.
Dagdag pa ng pangulo, kung hindi kaya ng isang ospital ang tungkulin nitong manggamot ng sinumang may karamdaman ay ipasasara na lamang niya ito.
Kung hindi mo kaya maging hospital, sasarahan na lang kita… Why pretend to be a hospital when you cannot be a hospital?” ani Duterte.