Siyam (9) pang infrastructure project na nagkakahalaga ng 738 billion pesos ang nakatakdang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Dutere sa oras na i-convene nito ang National Economic and Development Authority o NEDA Board sa susunod na linggo.
Ayon kay NEDA Director General Ernesto Pernia, kabilang sa proyekto ang 230 billion peso Mega Manila Subway; 151 billion peso Philippine National Railways long-haul na mula Calamba hanggang Bicol at 35.3 billion peso Mindanao Railway Project-Tagum-Davao-Digos.
Naghihintay din ng approval ang iba pang infrastructure project ng NEDA Board tulad ng 15.35 billion peso Clark International Airport New Terminal Building Project at 10.86 billion peso New Centennial Water Source-Kaliwa Dam Project.
Makatutulong aniya ang mga nasabing proyekto upang ma-decongest ang Metro Manila na inaasahang matatapos naman sa loob ng tatlong (3) taon.
By Drew Nacino
9 pang infra projects nakatakdang aprubahan ng Pangulo was last modified: June 21st, 2017 by DWIZ 882