Maglalabas na ng desisyon sa lalong madaling panahon ang Regional Wage Board para sa dagdag sahod ng ilan pang rehiyon sa bansa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, siyam pang petisyon ang binubusisi ng Wage board para sa hirit na umento.
Kasabay ito ng epekto ng pagtaas ng presyo ng oil products, pagmahal ng bilihin at singil sa kuryente.
Samantala, hinikayat naman ni Bello ang mga employer at negosyo na maghain din nang apela kung hindi kayang magbigay ng dagdag-sahod.
Magugunitang inaprubahan ng Wage board ang P33 wage increase sa mga minimum wage earners sa Metro Manila habang P55 hanggang P110 sa Western Visayas.