Siyam na indibidwal ang patay habang sugatan naman ang 76 na iba pa makaraang magliyab at sumabog ang isang fuel tanker truck sa Libya.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagkaroon ng banggaan sa Central Town ng Bent Bayya kung saan, sangkot ang nasabing truck na nagresulta ng pagleak o pagtagas ng gasolina sa lugar.
Dito na nagmadaling mangolekta ng gasolina ang mga residente sa lugar pero agad na sumabog ang truck dahilan ng pagkasawi ng ilan sa mga residente.
Agad namang isinugod sa Medical Center malapit sa lungsod ng Sabha ang mga biktima na nasa kritikal ngayon na kundisyon.
Patuloy pang inaalam ng mga otoridad kung ano ang sanhi ng pagtaob at pagsabog ng tanker truck.