Patay ang 9 katao matapos bumagsak ang isang private plane sa isang resort sa Laguna, kahapon
Ayon kay Laguna Regional Dir. Col. Eleazar Mata, kinilala ang mga biktimang lulan ng 11-seater King Air 350 na si Capt. Jesus Hernandez, piloto; first officer Lino Cruz Jr., copilot; Dr. Garret Garcia, ang tatlong nurse na sina Kirk Eoin Badilla, at Yamato Togawa, Ryx Gil Laput, Raymond Bulacja, Tom Carr-pasyente at asawa nitong si Erma Carr.
Samantala sugatan naman ang dalawang caretaker ng resort kung saan bumagsak ang naturang eroplano.
Nabatid na patungo sana ng Manila ang eroplano na mula sa Dipolog City.
Kasalukuyang inimbestigahan pa rin ng mga otoridad ang sanhi ng pagbasak ng eroplano.