Patay ang siyam (9) katao sa isang forest fire sa Southern India.
Ayon sa mga awtoridad, namumundok ang mga naturang biktima ng sumiklab ang sunog at na-trap ang mga ito sa Kurangani Hill na isa sa kilalang tourist spot sa naturang bansa.
Patuloy namang nilalapatan ng lunas ang dalawampu’t pito (27) pang katao na nadamay din sa nasabing insidente.
Kasalukuyan din ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa pinagmulan ng sunog na naganap noong linggo ng hapon.
—-