Patay ang siyam katao dahil sa gastroenteritis sa Iloilo City.
Ayon kay Iloilo City Mayor Jerry Trenias, nasa halos 400 katao na ang dumaranas ng gastroenteritis matapos uminom ng hindi malinis na tubig.
Marami pa aniya ang naka confine at malaking porsyento ng mga ito ay mga baby at senior citizens.
Ipinabatid ni Trenias na 29 na water refilling stations ang naipasara matapos ang mga nasabing insidente
Nasa 3,000 hanggang 10,000 balon ang na inspeksyon na rin ng mga otoridad.
Tiniyak ni Trenias na tinututukan na nila ang usapin lalo’t nag face to face classes na sa mga paaralan.