Patay ang 9 katao habang sampu ang sugatan matapos maganap ang insidente ng pananaksak sa labas ng isang eskwelahan sa Mizhi County, Shaanxi Province.
Batay sa ulat, walang habas na nanaksak ang isang 28 anyos na dating estudyante sa naturang paaralan sa nasabing lugar.
Ayon sa mga otoridad, isa sa tinitingnan nilang anggulo ng motibo ng suspek ay ang paghihiganti.
Nabatid na nung nag-aaral pa ang binata sa paaralan ay naging biktima ito ng bullying.
Kasalukuyan naman nilalapatan pa ng lunas sa pagamutan ang sampu pang sugatan.