Siyam na indibidwal ang nasawi sa naganap na stampede sa Uganda kasabay ng pagsalubong sa bagong taon.
Nangyari ang insidente sa labas ng Freedom City Mall sa Kampala, na nagsilbing host ng event kung saan, hinimok ng Master of Ceremonies ang mga tao na lumabas upang panoorin ang fireworks display.
Ayon sa Kampala Police Spokesman Patrick Onyango, pawang edad 10, 11, 14 at 20 ang mga nasawing biktima, kung saan apat sa mga ito ay nasawi dahil sa suffocation.
Ilang indibidwal naman ang napaulat na nasugatan matapos ang naturang insidente ngunit patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang eksaktong bilang ng mga ito.
Itinuturong dahilan sa trahedya ang ”Rash” acts gayundin ang pagkakaroon ng kapabayaan ngunit nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Ugandan Police sa naganap na stampede.