Patay ang siyam na indibidwal matapos bumagsak ang isang private aircraft habang nag-eemergency landing sa Las Americas Airport sa Dominican Republic.
Ayon sa operator ng eroplano na Helidosa Aviation Group, patungo sa Florida mula sa La Isabela International Airport ang nasabing flight nang bumagsak ito makalipas ang labing limang minutong paglipad.
Pitong pasahero at dalawang crew members ang nasawi sa nasabing insidente.
Kabilang dito ang Puerto Rican Music Producer na si Jose Hernandez na mas kilala na ‘Flow La Movie’, gayundin ang kaniyang asawa at anak.
Samantala, patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng pagbagsak ng nasabing sasakyan. —sa panulat ni Airiam Sancho