Siyam katao ang nasawi sa pagbagsak ng isang cargo plane sa Siberia.
Kabilang sa mga nasawi ang tatlong Belarussians, dalawang Russians at dalawang Ukrainians.
Ayon sa mga otoridad, nawala sa radar ang eroplano sa bahagi ng siyudad ng Irkutsk.
Nagpaikot ikot pa umano ang eroplano bago ito tuluyang bumagsak. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico