Nasawi ang 9 na indibidwal habang sugatan ang 15 iba pa matapos sumabog ang isang car bomb sa Kabul, Afghanistan.
Ayon kay interior ministry spokesman Tariq Arian, kabilang sa mga nasawi ang ilang babae, mga bata at matatanda.
Sinasabing ang pambobomba ay nangyari habang dumadaan ang convoy ng mambabatas na si Khan Mohammad Wardak na masuwerteng hindi tinamaan ng pagsabog.
Wala pang grupong umaako sa naturang pag-atake.