Umakyat na sa siyam (9) ang nasawi sa nararanasang pagbaha sa lungsod ng Valencia, lalawigan ng Bukidnon.
Bunsod pa rin ito ng pinalakas na hanging habagat na hinahatak ng bagyong Hanna na nasa dulong hilagang Luzon.
Ayon kay Jovenone Ellacone, Information Officer ng Valencia City Disaster Risk Reduction and Management Office, natagpuan ang ika-siyam na biktimang inanod ng malakas na agos sa umapaw na creek sa barangay Poblacion.
Sa ngayon ayon kay Ellacone, nasa 10 talampakan na ang taas ng tubig partikular sa naturang barangay habang 8 bahay ang nawasak at inanod ng malakas na agos ng baha.
By Jaymark Dagala