Dead on the spot ang 9 katao habang sugatan ang 15 iba pa sa aksidente sa India.
Sa inisyal na imbestigasyon, lulan ng mini-truck ang mga biktima nang mahulog sa tulay malapit sa distrito ng Sundargarh District sa estado ng Odisha.
Kabilang sa mga nasawi ay mga manlalaro umano ng contact sport na Kabaddi.
Pauwi na sana ang mga ito galing sa isang tournament sa Dhundigaon District nang mangyari ang insidente.
Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang naturang aksidente.
By: Meann Tanbio