Patay ang siyam na indibidwal sa naganap na sunog sa isang nursing home sa Eastern Bulgaria ng Balkan, Europe.
Ayon sa mga opisyal ng Eastern Bulgaria, isang lumang eskwelahan ang ginawang nursing home sa Eastern Village sa nabanggit na lugar kung saan, 58 mga residente ang naghahanda para sa kanilang hapunan.
Sa pahayag ni Fire Inspector Tihomir Totev, nagsimula ang sunog sa bubong ng naturang gusali kung saan, karamihan sa mga residente ay kinailangang ilikas habang ang iba naman ay kailangang isailalim sa medical treatment dahil sa smoke inhalation.
Inaalam na ng mga otoridad ang dahilan ng sunog habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa naganap na insidente. —sa panulat ni Angelica Doctolero