Siyam (9) ang kumpirmadong patay sa nangyaring sunog sa Leyte Prison and Penal Farm.
Ito ang inihayag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima kasunod na rin ng ulat ni Bureau of Corrections Director Rainier Cruz.
Bukod sa mga nasawi ay may isa pang pinaghahanap pa.
Lima (5) sa mga nasawi ay mga pasyente sa psychiatric ward habang dalawa naman ay tinukoy na mga farm worker.
Itinuturo ang problema sa linya ng kuryente na naging dahilan ng sunog.
By Rianne Briones | Bert Mozo (Patrol 3)