Patay ang siyam (9) na katao habang mahigit limampu (50) ang lubhang nasugatan nang sumiklab ang sunog sa isang squatters area sa Chittagong City sa Bangladesh.
Sumiklab ang sunog sa Bhera Market Slum alas-9:30 kagabi.
Tumagal naman ng limang oras bago maapula ang sunog.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, posibleng short circuit ang dahilan ng naturang sunog dahil sa mababang fire safety record sa Bangladesh.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga opisyal hinggil sa insidente.
—-