Siyam ang nasawi habang pito naman ang nawawala dahil sa flash floods dulot ng matitinding pag-ulan sa Himachal Pradesh, India.
Ayon kay Chief Minister Jairam Thakur, ang malalakas na pag-ulan sa lugar ay nagdulot ng malawakang pinsala sa mga imprastraktura.
Inilikas na rin ang maraming residente dahil sa banta ng baha.
Patuloy naman ang search and rescue operations ng mga otoridad sa lugar..—sa panulat ni Hya Ludivico