Siyam na Persons Deprived of Liberty (PDL) ang natagpuang patay matapos sumiklab ang riot sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
Ito ang kinumpirma ni Bureau of Corrections (BuCor) public Information Chief Gabriel Chaclag, bagama’t hindi pa matukoy ang eksaktong bilang ng sugatan.
Hindi pa rin malinaw kung ang sumiklab na riot ang dahilan ng pagkasawi ng mga naturang bilanggo.
Batay sa paunang report, pasado ala-2:30, Biyernes ng madaling araw, nang magpang-abot at magka-initan ang grupong Sputnik at Commando.
Sinabi ni Chaclag, agad naman aniyang nakontrol ang kaguluhan sa iisang quadrant lamang ng maximum security compound.
Dagdag ni Chaclag, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon para matukoy ang pinagmulan ng insidente.