Naglabas na ng hatol ang Malaysian High Court sa 17 Pilipinong akusado sa 2013 Sabah standoff.
Siyam (9) sa mga ito ang nanganganib hatulan ng kamatayan o habangbuhay na pagkakabilanggo.
Ayon kay Atty. Datuk Sivananthan, Legal Counsel ng mga Pilipinong akusado, ngayong araw maglalabas ng desisyon ang korte kung kamatayan o life sentence ang ihahatol sa siyam.
Kabilang anya sa hinatulan ng guilty ang 53-anyos na si Amir Bahar Hushin Kiram, anak ng yumanong si Sulu Sultan Esmail Kiram.
Kabuuang 66 ang nasawi kabilang ang 56 na miyembro ng Royal Army ng Sultanate of Sulu sa mahigit isang buwang bakbakan sa Lahad Datu, Sabah noong 2013.
By Drew Nacino