Naglatag ng plano ang ilang presidential candidates sa pagkapangulo, kung magkakaroon muli ng COVID-19 surge sa bansa.
Sa ginanap na 2022 Pili-Pinas Debate ng Commission on Election (COMELEC) kahapon, nakikita ni Vice President Leni Robredo na kailangang pagtuunan ng pansin ang pagbabakuna upang maabot ang target na 77 milyong pilipino sa pagkamit ng herd immunity.
Sinuportahan naman ang pahayag ni Dating Defense Secretary Norberto Gonzales at kinuwestion pa ang pag-donate ng bakuna ng Pilipinas, sa kabila ng malaking bahagi ng populasyong hindi pa nababakunahan.
Para naman kay Senator Panfilo Lacson, kailangang magtayo ng Virology Institute ang bansa para sa pagkontrol ng virus.
Dapat namang akuin ng gobyerno kung magkakaroon ng muli ng surge sa COVID-19, batay yan sa pahayag ni Labor Leader Ka Leody De Guzman.
Samantala, para naman kay Manila Mayor Isko Moreno, susuriin niya ang Bayanihan 1 at 2 laws para sa pagbili ng equipment at gamot.
Walang pahayag ang ibang kandidato hinggil dito. —sa panulat ni Abby Malanday