Sinibak na sa puwesto ang siyam (9) na pulis na miyembro ng Drug Enforcement Unit ng Quezon City Police District Station 11 na sangkot sa pangingikil mula sa mga suspek na kanilang naaresto.
Pasado alas-12:00 kaninang hatinggabi nang salakayin ng mga tauhan ng PNP District Operations Unit, Directorate for Investigation and Detective Management at SWAT ang PNP Station 11 sa Galas, Quezon City.
Ayon kay QCPD Director Chief Superintendent Joselito Esquivel, nakatanggap sila ng reklamo na kinikikilan ng siyam na pulis ang naaresto nilang suspek ng halagang dalawandaang libong piso (P200,000) at pinadagdagan pa umano ito.
Maliban sa 9 na pulis, sinibak na rin sa puwesto ang hepe ng Station 11 dahil sa command responsibility.
Posible namang maharap sa kasong administratibo at kriminal ang siyam na pulis kung mapatutunayan ang krimen.
—-