9 sa 10 pilipino ang naniniwalang malaking parte ang ginagampanan ng mga pribadong sektor sa pagpapabilis ng paglago ng ekonomiya ng bansa.
Batay ito sa pulse asia suvey na inilabas mula september 17 hanggang 21, 2022 sa 1, 200 respondents.
Sa nasabing survey, 46 % ng mga pilipino ang sumang-ayon na malaking tulong ang mga pribadong sektor sa ekonomiya, 41 % ang medyo sumang-ayon, 3 % ang hindi sumang-ayon at 11 % ang walang desisyon.
Samantala, 89 % din ang kumbinsidong dapat na maging magkatuwang ang gobyerno at pribadong sektor sa pagrekober ng ekonomiya, 62 % ang sumang-ayon, 27 % ang medyo sumang-ayon, 1 % ang hindi sumang-ayon at 10 percent ang walang desisyon.