Naresolba na ng Philippine National Police (PNP) ang 9 sa 17 kaso ng kidnapping na ini-uugnay sa kontrobersiyal na Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Ayon kay PNP Chief, Police General Rodolfo Azurin Jr., naitala ang mga kasong ito mula pa noong Enero.
Isa sa mga kidnapping cases ang na-marked na ng PNP bilang clear, habang kasalukuyang iniimbestigahan ng Camp Crame-based na Anti-Kidnapping Group (AKG) ang pitong iba pa.
Matatandaang noong nakaraang linggo, mahigit 40 indibidwal ang nailigtas ng AKG sa Mabalacat City, Pampanga.
Hiwalay pa ito sa 70 dayuhang na-rescue sa isang POGO site sa Rizal kung saan karamihan ay mga Chinese.