Posibleng hindi mabigyan ng bakuna kontra COVID-19 ang siyam sa bawat 10 indibiduwal mula sa mga mahihirap na bansa.
Ito ang inihayag ng People’s Vaccine Alliance, bunsod anila ng pag-hoard o pag-iimbak ng sobra-sobrang suplay ng mga mayayamang bansa.
Ayon sa grupo, nabili na ng mga mayayamang bansa ang 53% ng kabuuang stock ng mga malilikhang bakuna hanggang noong Nobyembre.
Iginiit ng People’s Vaccine Alliance, dapat ibahagi ng mga pharmaceutical companies ang kanilang teknolohiya para mas marami pang bakuna kontra COVID-19 ang malikha.