Siyam sa bawat sampung pilipino o katumbas ng 86% ang naniniwala na nakararanas sila ng problema dahil sa fake news.
Kasunod ito ng resulta ng Pulse Asia Survey na isinagawa noong September 17 hanggang 21 sa 1,200 adult respondents.
Batay sa naturang survey, 68% ang nagsabi na madalas silang nakakakuha ng fake news mula sa social media o internet; 67% sa telebisyon; 32% sa radyo; 28% ang nagsasabi na nakukuha nila ang mga maling impormasyon sa kanilang mga kaibigan; 4% naman ang fake political news mula sa community leaders; 3% sa newspapers; at 1% naman sa religious leaders.
Mataas din ang porsyento ng mga pinoy na nagsasabing nakakakuha sila ng fake news sa mga social media influencers, at vloggers na mayroong 58%; 37% naman ang undecided; at 7% ang nagsasabing nawalan sila ng tiwala sa mga ito.
Samantala, pinakamarami sa mga respondent ay nagmula sa Metro Manila na umabot sa 87% o kabuuang 92% sa Luzon; 77% sa Visayas; at 81% naman sa Mindanao.