9 sa bawat 10 Pilipino ang naniniwala na ang “Fake news” ay problema sa bansa.
Batay ito sa resulta ng Pulse Asia survey na isinagawa noong Setyembre 17 hanggang 21 sa 1,200 adult respondents kung saan nasa 86 % ang nagsabi ng “Yes.”
Naitala ang may pinakamaraming “Yes” ang sagot sa metro manila na nasa 87 % at nalalabing bahagi ng Luzon na nasa 92 percent kumpara sa Visayas at Mindanao na may 77 at 81 % .
68 percent naman mula sa respondents ang nagsabing mula sa social media at internet ang kanilang source ng fake news.
Sinundan ito ng television o tv na may 67 percent, 32 % naman sa radyo habang 28 % sa mga kaibigan o kakilala.
Samantala, pinakahuli sa mga naitalang source ng “Fake news” ang community leaders na may 4 %, 3 % naman sa newspaper habang 1 % sa religious leaders.