Siyam katao ang sugatan sa pitong magkakahiwalay na pagsabog sa bayan ng Datu Unsay at Shariff Aguak sa Maguindanao, kagabi.
Ayon kay Maguindanao Provincial Director Police Col. Jibin Bongcayan, limang pagsabog dulot ng grenade launcher ang umalingawngaw sa loob ng municipal hall compound sa Datu Insay na ikinasugat ng siyam katao.
Makalipas ang ilang minuto, dalawang pagsabog ang yumanig din sa bayan ng Aguak pero wala namang nasaktan.
Dalawang lalaki na posibleng miyembro ng armadong grupo anya ang naghagis ng granada sa national highway sa naturang lugar.
Nagdagdag naman ng pwersa ang Philippine National Police (PNP) Sa lalawigan kasabay ng pagtiyak ng maayos na pagdaraos ng halalan ngayong araw.