Nahuli sa akto ng otoridad ang siyam na indibidwal na nag-aabutan ng iligal na droga sa Quiapo, Maynila.
Ayon kay Police Lieutant Colonel John Guiagui ng Sta.Cruz Police Station, nakumpiska sa grupo ang siyam na plastic ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng higit 800,000 piso.
Kaugnay nito, nahuli rin ang umano’y supplier ng nasabing iligal na droga na si alyas Luz at kasamahan niyang si alyas Bilen.
Dismayado naman ang hepe ng nasabing police station nang malamang isa sa mga naaresto ay barangay tanod sa Sampaloc na kinilalang si Bobby Swing.
Samantala, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek. —sa panulat ni Airiam Sancho