Nasungkit ng 9 year old chess player na si Bince Operiano ang gintong medalya at tropeyo sa 6th Eastern Asia Youth Chess Championship na ginanap sa Bangkok, Thailand kamakailan.
Naging madali para kay Operiano ang kaniyang nilabanang kompetisyon sa under 10 boys division ng International Tournament kung saan, tinagurian siya bilang “Next Chess Grand Master ng Pilipinas.”
Sa Facebook post ni Albay 3rd District Rep. Fernando Cabredo, dalawang gabi umanong natulog sa paliparan ang batang atleta kasama ang kaniyang ama para makakuha ng libreng tiket mula sa Philippine Sports Commission (PSC) dahil narin sa limitadong pondo ng ahensya.
Sa kabila nito, nagpaabot ng pagbati ang mga netizen sa karangalang naiambag ni Bince para sa Pilipinas.