Pumalo na sa 4,500 na mga pulis ang nakarekober mula sa sakit na covid19 matapos itong madagdagan ng 90 new recoveries.
Samantala, nakapagtala naman ngayon ng 37 new infection cases ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang hanay, dahilan upang sumirit na sa kabuuang 5,705 ang mga pulis na tinamaan ng virus, habang nananatili naman sa 17 ang binawian ng buhay.
Sa kasalukuyan, mayroong 1,188 active cases ang PNP.