Inilabas na ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang listahan ng mga barangay officials na sangkot sa illegal drugs.
Ayon kay PDEA Director Aaron Aquino, ang pagsasapubliko nila sa listahan ay batay sa direktiba na rin ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Siyamnapung (90) barangay chairmen at isandaan at labing pitong (117) kagawad ng barangay ang kasama sa inilabas na ‘narco-list’ ng PDEA.
Pinakamarami rito ang mula sa Region 5, tatlumpu’t apat (34) ang mula sa Caraga at labing tatlo (13) mula sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.
Tiniyak ni Aquino na mayroon silang sapat na ebidensya laban sa mga suspects bago nila inilabas ang listahan.
“The dispensure of valid and valuable information is needed to pertain and minimize corruption amongst officials of the government, to promote the highest standards of honesty in public service and to elevate morality in public administration. This is the reason why public officials permitted to right of privacy as compared to ordinary individuals. These officials served the public and are therefore, accountable to the public.”
Samantala, kinontra naman ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga nagsasabing parang naglabas ng hit list ang pamahalaan para sa mga vigilante.
“I don’t believe that it is equivalent to hit list because this people in the list have been validated by different inter-agencies and we are filing charges against these people. In fact, they even release and encourage people to testify against these government barangay officials. You know sa isang barangay, alam naman talaga nila kung sino yung promotor ng drugs diyan.”
—-
BADAC
Ikinakasa na ng Department of Interior and Local Government o DILG ang kasong administratibo laban sa mga opisyal ng barangay na nabigong magtatag ng BADAC o Barangay Anti-Drug Abuse Council.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, sa labing anim (16) na barangay na natukoy nilang walang BADAC, lima rito ang mula sa National Capital Region at labing isa sa Bicol Region kung saan sampu ang mula sa Aroroy Masbate at isa sa Gubat Sorsogon.
Sinabi ni Año na hindi nagpabaya ang DILG sa pagpapalabas ng mga memorandum para paalalahanan ang mga barangay officials sa kahalagahan ng BADAC sa paglaban sa illegal drugs.
Unang batch pa lamang aniya ito ng kakasuhan dahil may animnaraan (600) pang barangay ang walang BADAC report sa DILG.
Samantala, sinabi ni Año na isusunod nilang aalamin ang performance ng mga alkalde sa pagtatatag ng anti-drug abuse council at kung gumagana ang mga tanggapan nito.
”The DILG will also monitor functionality with their respective BADACS. When we say ‘’functional’’, it means that the concerned LGUs have allowed substantial budget for the anti-drug campaign like committee-based rehab program. They must have also submitted their BADAC action plans to the concerned DILG offices and observe implemented program, projects, and activities in the step on their action plan.”
(With report from Jill Resontoc)