Nag desisyon na ang Senado na opisyal nang tanggapin ang 90 day preventive suspension order ng Sandiganbayan laban kay Senador JV Ejercito.
Kasunod ito ng personal na pagpapasya ng Senador na mag-forced vacation simula ngayong araw.
Sa kanyang privilege speech, inamin ng Senador na nalulungkot siyang may mga nagtangkang sirain ang kanyang track record makaraang kasuhan siya ng graft sa Sandiganbayan dahil sa pagbili ng higit 2 Milyong Pisong armas para sa mga pulis sa San Juan City.
Giit ni Ejercito, kung makukulong siya dahil sa hangaring malabanan ang krimen at maprotektahan ang buhay ng mga taga San Juan, handa niya itong harapin.
Gayunpaman tiniyak ni Ejercito na hindi siya nakinabang sa anumang iligal na transaksyon dahil ginawa aniya nito ang lahat para mapanatiling malinis ang kanyang pangalan.
Ayon sa Senador, ang preventive suspension laban sa kanya ay di parusa at hindi indikasyon ng pagiging guilty niya sa kaso.
By: Avee Devierte / Cely Bueno